-- Advertisements --

Makakaharap na sa semifinals ng Miami Open ni Pinay tennis sensation Alex Eala si Jessica Pegula ng US.

Tinalo kasi ng 31-anyos na American tennis player si Emma Raducanu ng Britanya sa kanilang paghaharap sa quarterfinals 6-4, 6-7(3), 6-2 para makusad sa semifinals.

Dahil dito ay isang malaking hamon ngayon ang kakaharapin ni Eala na nasa ranked number 140 laban kay Pegula na world number 4.

Si Pegula ay mayroon ng pitong WTA titles na umabot pa sa world number 3 sa rankings at world number 1 sa double.

Siya rin ang finalist noong 2024 US Open kung saan nanalo ito ng apat sa 10 career matchups niya kay Iga Swiatek.

Magugunitang tinalo ni Eala si Swiatek ng Poland sa quarterfinals nitong madaling araw ng Huwebes.

Gaganapin ang harapan nina Eala at Pegula sa Biyernes, Marso 28 ng alas-8:30 ng umaga.