-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis player Alex Eala sa W75 Trnava sa Slovakia.
Ito ay matapos na talunin siya ni Swiss tennis player Valentina Ryser sa score na 6-4, 2-6 at 2-6.
Hindi napanatili ng 19-anyos na si Eala ang unang panalo nito kung saan nahigitan ito ng kalaban sa ikalawa at ikatlong set.
Una rito sa first round ng torneo ay tinalo ng ranked 140 na si Eala si WTA number 137 na si Leyre Romero Gormaz ng Spain.
Ang nasabing torneo ay bahagi ng paghahanda ni Eala sa kaniyang pagsabak sa Miami Open sa darating na Marso 18.