-- Advertisements --
Agad na magsasanay ngayon si Pinay tennis star Alex Eala matapos ang bigong kampanya niya sa 2025 Oeiras Ladies Open.
Sa nasabing torneo na ginanap sa Portugal ay tinalo siya ni Panna Udvardy ng Hungary.
Sinabi ni Eala na normal lamang ang matalo lalo na at hindi niya kabisado ang paglalaro sa clay court.
Tiniyak naman nito sa mga fans na agad siyang babawi.
Agad siyang magsasanay para maayos ang adjustment sa clay court para sa pagsabak niya sa WTA 1000 Mutua Madrid Open sa Spain na gaganapin mula Abril 22 hanggang Mayo 4.