-- Advertisements --
Ibinunyag ng Pinay tennis star Alex Eala na isang malaking hamon sa kaniya ang pag-apply ng mga visas para makalahok sa ibang torneo sa ibang bansa.
Sinabi nito na hirap itong makakuha agad ng mga travel documents para sa visa requirements lalo na tuwing mayroong last minute na tennis tournament.
Dahil dito ay nagiging flexible na lamang siya sa mga oras para agad na makakuha ng travel visas.
Isa na lamang na nagbibigay ginhawa sa kaniya ay ang mainit na suporta ng mga Filipino sa mga bansang pinupuntahan niya para sa torneo.
Si Eala ay naka-base ngayon sa Mallorca, Spain mula ng lumahok sa Rafa Nadal Academy.