-- Advertisements --
Nakamit ni Pinay tennis star Alex Eala ang kaniyang unang professional title ngayong taon.
Ito ay matapos talunin niya si Valentina Ryser ng Switzerland sa W25 Yecla ITF Tour na ginanap sa Spain.
Bago makapasok sa finals si Eala ay tinalo nito si Lucia Peyre ng Argentina sa semifinals.
Ito na ang pangatlong professional title ni Eala matapos ang W15 Manacor noong 2021 at W25 Chiang Rain noong 2022.
-- Advertisement --