-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa W125 Mumbai Open.
Ito ay matapos na talunin siya ni Mai Hontama ng Japan sa score na 6-7(5-7), 2-6.
Naging malaking hamon para sa 19-anyos na si Eala ang first set dahil sa nag-extend ito.
Nabasag ng Japanese tennis star ang 2-2 tie sa second frame para maitala ang ikaapat na sunod na panalo at makausad sa quarterfinals.
Nabigo rin si Eala sa doubles event kung saan hindi sila nakaporma ng kasamang si Chia Yi ng Chinese Taipei laban kay Russian number 2 na si Amina Anshba at Elena Pridankina sa score na 6-4, 6-4.
Ito na ang pang-limang singles tournament ng taon ni Eala na maagang nagtapos kasunod ng bigong makapaglaro ito sa Singapore Open noong nakaraang linggo.