-- Advertisements --

Labis na ikinatuwa ngayon ni Pinay tennis star Alex Eala ang pagkakasama niya sa wild card ng Miami Open.

Isa kasi ang 19-anyos na Pinay tennis sensation sa pitong wildcards sa main draw ang napili ng Women’s Tennis Association (WTA).

Magsisimula ang nasabing torneo sa darating na Marso 18 sa Hardrock Stadium sa Miami, Florida.

Si Eala na kasalukuyang nasa world number 140 sa WTA ranking at naging junior doubles champion sa Australian Open at French Open ganun din sa junior singles titlist sa US Open.

Natitiyak naman ni Eala na kaniyang gagawin ang lahat ng makakaya para makabawi sa mga bigong torneo na kaniyang nasalihan ngayong taon.