-- Advertisements --

Nagwagi ng dalawang titulo si Pinay tennis star Alex Eala sa W100 Vitoria-Gasteiz na ginanap sa Spain.

Unang tinalo ng world number 155 si Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra sa finals sa score na 6-4, 6-4 para makuha ang singles title.

Ito na ang pang-limang overall na titulo ni Eala sa singles matapos na magwagi sa Manacor noong 2021, Chiang Rai noong 2022, Roehampton at Yecla sa taong 2023.

Bago ang singles championship ay nagwagi rin si Eala kasama ang partner nitong si Estelle Cacsino ng France at nakuha ang doubles championship.

Tinalo ng dalawa sina Lia Karatancheva ng Bulgaria at Diana Marcinkevica ng Latvica sa score na 6-3,2-6 at 10-4.