-- Advertisements --

Natapos ang tsansa ni Pinay tennis player Alex Eala na makapasok sa main draw ng US Open.

Ito ay matapos na talunin siya ni Elena-Gabriela Ruse ng Romania sa score na 3-6, 6-1 at 6-4 para sa qualifiers ng main draw.

Sa unang set ay dominado ni Eala ang laban subalit mabilis na nakabawi ang Romanian tennis player.

Kahit na bigo si Eala ay tila wagi naman ito dahil sa dami ng mga Pinoy na nanood ng live sa New York.

Binalaan pa ng umpire ang mga Pinoy fans dahil sa pagkantiyaw sa Romanian tennis player tuwing ito ay magse-serve para sirain ang concentration nito.