-- Advertisements --

Pasok na sa next round ang Pinay sensation na si Alex Eala sa W80 Rancho Santa Fe sa California matapos niyang masungkit ang panalo kontra sa katunggali niyang si Alana Smith.

Ang US reigning open girl’s singles champion ay binigo ang kanyang kalaban sa iskor na 6-0, 6-0 sa kanyang pangalawang qualifying match.

Una rito, nanalo rin si Eala sa kanyang unang match kontra Deniza Marcinkevica, 6-1, 6-3 noong Martes.

Sa ngayon, naka-focus ang atleta sa paghahanda para masungkit ang gintong medalya sa W80 tournament.