Tiyak na ang pagsabak ng Pinay tennis sensation na si Alex Eala sa quarterfinals ng Miami Open.
Bunsod ito ng pag-atras ni Paula Badosa ng Spain mula sa tournament.
Sinasabing dahil sa iniindang injury, hindi na kakayanin ni Badosa na muli pang sumalang sa match.
Dahil sa mga adjustment, awtomatikong nakapasok si Eala sa quarterfinals ng prestihiyosong torneo.
Ang 19-anyos na Filipina ay patuloy na gumagawa ng kasaysayan sa larangan ng tennis, lalo na’t ito ang kaniyang unang pagkakataon na makarating sa ganitong antas sa isang WTA 1000 na torneo.
Ang tagumpay na ito ay isang malaking hakbang para sa Philippine tennis, at tiyak na magbibigay-inspirasyon sa mga kabataang atleta sa bansa.
Ngayon, haharapin ni Eala ang mananalo sa laban nina Iga Swiatek at Elina Svitolina para sa susunod na round.