-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng US Open girls’ single tournament ang pambato sa tennis ng bansa na si Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin si Michaela Laki ng Greece sa score na 4-6, 7-5 at 6-4.

Nagawa nitong makabangon sa second set matapos ang pagkatalo nito sa unang set.

Nabasag nito ang serve ng Greek player at naitabla ang score sa 5-5 hanggang tuluyang makuha ang panalo 7-5.

Bagamat naging malaking hamon sa kaniya ang ikatlong set laban sa ranked 15 ay nagawa pang kontrolin ni seed number 2 Filipina player ang laro.

Umabot sa dalawang oras at 23 minuto ang nasabing laro.

Susunod na makakalaban nito ang sinumang mananalo sa pagitan nina Sebastianna Scilipoti ng Switzerland and Sofia Costoulas ng Belgium.