-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng French Open Juniors si Filipina tennis player Alex Eala.

Tinalo kasi nito si Linda Noskova ng Czech Republic sa score na 4-6, 6-3 at 6-2.

Siya ang unang Filipina na umabot sa semifinals ng nasabing torneo kung saan tinapatan nito si Pinoy tennis great Felix Barrientos na pasok sa Wimbledon semifinals noong 1985.

Nahirapan ang 15-anyos na World No. 4 sa unang set.

Huling tinalo nito si Noskova ay noong 2018 sa Les Petits sa France subalit nakabawi rin ito matapos ang ilang set.
Susunod na makakaharap nito si Elsa Jacquemot ng France.