-- Advertisements --

May mga malalaking torneo na pinaghahandaan si Pinay tennis star Alex Eala sa susunod na taon.

Sinabi nito na sa buwan ng Enero ay agad itong magsasagawa ng ensayo bilang paghahanda sa ilang torneo.

Sa huling torneo na sinalihan niya ngayong taon ay ang W100 Tournament sa Dubai kung saan umabot lamang ito sa semifinals.

Kahit na nabigo aniya ito ay naging sulit naman ang nasabing torneo sa Unite Arab Emirates dahil sa suporta ng mga kapwa Filipino.

Pinasalamatan ng 19-anyos na si Eala ang mga Pinoy na naglaan ng oras para mapanood ang kaniyang mga larao sa UAE.