-- Advertisements --

Hindi nagkukumpiyansa si Pinay tennis star Alex Eala sa muling paghaharap niya kay World Number 2 Iga Swiatek ng Poland.

Makakaharap kasi nito si Swiatek sa ikalawang round ng Madrid Open ngayong gabi ng Huwebes oras sa Pilipinas.

Nitong nakaraang buwan kasi ay tinalo ng 19-anyos na si Eala si Swiatek sa quarterfinals ng Miami Open.

Sinabi ni Eala na kada laro ay may iba’t-ibang kuwento kaya mahalaga na ito ay kaniyang paghandaan.

Isa ang Polish tennis star na iniidolo ni Eala noong siya ay nagsisimula sa paglalaro ng tennis.

Dahil dito ay tuloy-tuloy ang ginagawa niyang paghahanda para muling maulit ang tagumpay niya noong Miami Open.