-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ngayon ni Pinay tennis star Alex Eala ang pagsabak niya sa French Open.

Ayon sa 19-anyos Pinay tennis star na nag-ensayo na ito sa clay court kung saan umaasa itong makakuha ng unang main draw appearance sa professional ranks.

Mas dinoble nito ang ensayo sa clay court dahil sa mga nagdaang taon ay sa graas at hard court ito nakakapaglaro.

Nanantili pa ring mataas ang kumpiyansa ng world ranked 73 matapos ang tagumpay nito sa Miami Open kung saan tinalo niya ang mga magagaling tennis players gaya nina Iga Swiatek at Madison Keys.

Magsisimula ang French Open mula Mayo 25 hanggang June 8 kung saan inaasahan ang mga matitinding makakalaban niya gaya nina Coco Guaff, Madison Keys at Swiatek.