-- Advertisements --

Sasabak na 31st Southeast Asian Games si Filipina tennis sensation Alex Eala.

Sinabi ng ama ng 16-anyos na tennis star na si Mike na kabilang ang anak nito sa mahigit na 600 atleta na ipapadala ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Mayo sa Hanoi, Vietnam.

Naisumite na nito ang kaniyang registrationa at pirmado na ng ama.

Ito ang unang pagkakataon na sasabak si Eala sa nasabing biennal event kung saan itinuturing na siya ang paboritong manalo at mag-uwi ng medalya.

Ang Rafael Nadal Academy scholar ay kasalukuyang nasa no. 10 sa junior rankings at siya ay nasa ranked 571 sa buong mundo sa Women’s Tennis Association (WTA) matapos ang panalo sa Round of 16 sa W35 Joue les Tour sa France.