-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng Miami Open si Pinay tennis sensation Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si WTA world number 2 Iga Swiatek sa score na 6-2; 7-5.
Sa unang set pa lamang ay naging agresibo na si Eala at naiwasan ang anumang error.
Susunod na makakaharap ni Eala ang sinumang manalo sa pagitan nina Emma Raducanu ng United Kingdom at Jessica Pegula ng US.