-- Advertisements --

Hindi na umusad si Filipino tennis star Alex Eala sa W100 Bengaluru matapos siyang talunin ng lower-ranked Slovenian tennis player na si Dalila Jakupovic.

Dinumina ni Jakupovic ang match, 4-6, 4-6 sa loob ng isang oras at 21 mins, daan upang pumasok siya sa quarterfinals ng naturang tuneyo.

Sa unang bahagi ng match ay mistulang magiging ‘easy win’ ang laban para kay Eala ngunit sa huli ay nanaig ang experience ng 33 anyos na si Jakupovic kontra sa 19 anyos na Pinay star.

Hindi na rin nakabangon pa si Eala sa huling bahagi ng match hanggang sa ika-sampung game dahil hindi na nagpabaya ang batikang World No. 213 at tuluyang naibulsa ang huling laban.

Sa pag-usad ni Jakupovic sa quarterfinals, makakaharap niya si Linda Fruhvirtova ng Czechoslovakia.

Nananatili naman bilang World No. 136 ang Pinoy tennis star.