-- Advertisements --

Umakyat pa ang rankings sa Women’s Tennis Association ni Filipina tennsi star Alex Eala.

Base sa inilabas na ranking ng WTA ay nasa pang-162 na ito ngayon.

Mas mataas na ito ngayong kumpara sa 170 rankings nito noong Abril 22.

Ang nasabing rankings ay inilabas matapos na makumpleto nito ang Mutua Madrid Open kung saan tinalo niya si WTA no. 41 Lesia Tsurenko ng Ukraine sa unang round.

Nabigo naman ito sa ikalawang round sa kamay ni number 30 Sorana Cirstea sa round of 64.

Sa doubles naman ay nagtala si Eala ng career-high na 239 ranking mula sa 243 rankings noong nakaraang linggo.