-- Advertisements --

Naging maganda ang panimula ng 2024 ni Pinay tennis ace Alex Eala.

Ito ay matapos na umangat ang kaniyang world ranking sa women’s tennis.

Ayon sa 18-anyos na si Eala na nasa pang-185 na ito sa WTA rankings.

Mas mababa ito ng apat na puwesto sa dating ranking niya noong Oktubre 2023.

Isa itong magandang development dahil sa nabigo ito sa Workday Canbera International ng talunin siya ni Celine Naef ng Switzerland sa qualifying round ng 4-6 at 5-7.

Nakatakda itong sumabak sa Australian Open qualifiers sa darating na Enero 8.