Umangat pa ang Women’s Tennis Association rankings ni Pinay tennis star Alex Eala.
Mula sa dating world number 75 ay naging world number 73 na ito ngayon.
Ang nasabing pag-angat ng rankings ay dahil sa matagumpay na Miami Open games kung saan nakapasok ito sa semifinals.
Naghahanda na rin ngayon ito ngayon para sa paglahok sa Oeiras Ladies Open na gaganapin sa Portugal na isang WTA 125 event sa Abril 14.
Susundan ito ng Madrid Open sa Abril 22 na gaya ng Miami Open na ito ay isang WTA 1000 kung saan lalahok din ito sa WTA 125 event sa Catalonia Open sa Vic, Spain.
Magpapatuloy ang kaniyang laban sa Mayo 6 sa WTA 1000 event sa Rome na susundan ng Parma Ladies Open na isang WTA 125 tournament sa Parma, Italy sa Mayo 12.
Magugunitang sa Miami Open ay tinalo niya ang tatlong Grand Slam champions na sina Iga Swiatek, Madison Keys at Jelena Ostapenko subalit nabigo ito sa kamay ng world number 4 na si Jessica Pegula sa semifinals.