-- Advertisements --
Lubos ang pasasalamat ngayon ni Pinay tennis star Alex Eala matapos ang muling pag-akyat ng kaniyang ranking sa Women’s Tennis Association.
Ayon kasi sa pinakahuling ranking na inilabas ng WTA na nasa pang-136 na ito ngayon.
Noong unang linggo ng Enero ay nasa pang-143 lamang ito matapos ang bigong maka-usad sa main draw ng Australian Open.
Tinalo kasi siiya ni Jan Fett ng Croatia sa score na 7-5, 6-2 sa Grand Slam qualifiers.
Sinabi ng 19-anyos na si Eala na kaniyang pagbubutihin ang paglalaro para mas lalong umangat ang kaniyang world rankings.