Sa kabila ng hindi pa paglalaro mula noong matapos ang 2025 Miami Open, muling umangat ang ranking ni Filipino tennis star Alex Eala, batay sa huling ranking na inilabas ng Women’s Tennis Association(WTA).
Maalalang ilang araw matapos ang makasaysayang paglalaro ni Eala sa Miami Open ay inilabas ng WTA ang ranking at nakuha ni Eala ang rank No. 75.
Pero ngayong Lunes(April 7), nasa No.73 na si Eala, o dalawang rank na mas mataas kumpara sa huli niyang World rank.
Ang panibagong paggalaw ay kasunod na rin ng ilang movement ng mga player na nasa taas ng ranking, at may mas mataas na rank, kumpara sa 19 anyos na tennis star.
Sa kabuuan, nilaktawan ni Eala ang 67 ranks mula sa dating rank No.140.
Dahil dito, lalo pang lumaki ang tyansa ni Eala na makasali o mag-debut sa Grand Slam sa nalalapit na French Open.
Sa kasalukuyan, nakabalik na si Eala sa Spain kung saan siya patuloy na nagsasanay sa ilalim ng Rafa Nadal Academy.