Walang plano na magpalit ng citizenship si Filipina tennis prodigy Alex Eala.
Ayon sa 16-anyos na Pinay tennis player na kahit na nakabase siya sa Spain ay nais pa rin niyang maglaro na may nakasabit na bandila ng Pilipinas sa kaniyang damit.
Isang malaking karangalan aniya ang maging representante ng bansa sa anumang international competition.
Umabot na kasi sa 14 na titulo ang kaniyang napanalunan sa singles at doubles tournaments sa ITF Junior tournaments.
Pinakamataas na ranking na kaniyang nakamit ay number 2 pero ngayon ay nasa pang-apat na puwesto na ito sa ITF rankings na inilabas noong Nobyembre 8, 2021.
Naghahanda na rin ito para sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa buwan ng Mayo at 2022 Asian Games sa Zhejiang, Chan sa Setyembre.
Hindi na ito nakapaglaro sa 2019 SEA Games na ginanap sa bansa dahil sa problema sa kaniyang schedule.