-- Advertisements --

Tinawanan lamang ni Alex Gonzaga ang usap-usapang buntis na ito kahit hindi pa ikinasakal sa politician boyfriend na si Mikee Morada.

Ayon sa nakababatang kapatid ng TV host ding si Toni Gonzaga, constipated lamang siya o hirap magdumi at hindi nagdadalang tao.

Ugat ng isyu ay ‘yaong kapansin-pansin umanong paghawak ng fiance ni Alex sa kanyang tiyan sa isang family group picture.

“Kapag kino-congratulate ka na ng katrabaho mo dahil akala nila buntis ka… Ghorl, kailangan ko na talaga pumoops! Dalang ta* po, hindi dalang tao,” tweet ng 32-year-old TV host/actress.

Nabatid na isang taon na ang nakakaraan mula nang maging engaged ang dalawa matapos ang tatlong taong pagiging magkasintahan.

Si Alex ay survivor ng coronavirus disease, gayundin ang kanyang husband to be.