-- Advertisements --

Nag sorry ang actress influencer na si Alex Gonzaga sa kanyang asawa na si Mikee Morada matapos itong makunan muli sa ikatlong pagkakataon.

Sa latest vlog ni Alex kung saan ay ipinagdiwang nito ang kanyang ika-37 na kaarawan , kasama nito ang kanyang pamilya para sa isang family dinner.

Pagkatapos nito ay binisita ni Alex ang isang hospital sa Lipa, Batangas para maghatid ng tulong sa mga nanay na nanganak doon.

Sa pagtatapos ng video ay ibinahagi ni Alex ang kanyang naging karanasan kasama ang kanyang asawa na si Mikee.

Makikita rin sa huling bahagi nito habang na sa hospital bed si Alex at ilang kaganapan habang siya ay nasa hospital.

Naigwan naman ng mensahe ang actress influencer sa dulo ng video kung saan ay humingi ito ng tawad sa kanyang asawa .