-- Advertisements --

Mistulang buto’t balat na ang hitsura ng kontrobersyal na si Alexei Navalny sa kauna-unahan nitong muling pagharap sa publiko matapos ang kaniyang tatlong araw na hunger strike.

Sa inilabas na larawan ng korte, makikita na nagpakalbo si Navalny at suot ang kaniyang prison jacket.

Ayon dito mukha na raw siyang skeleton at nagbalik-tanaw din ito sa kaniya hitsura noong siya ay nag-aaral pa sa elementarya.

Hindi na rin ito nakatiis na sabihing hinalo-halo lang umano ng Russian president ang mga kaso na isinampa laban sa kaniya upang lalong masira ang kaniyang reputasyon sa mamamayan ng Russia.

Magugunita na noong Pebrero ay pinagmulta ng 850,000 roubles, katumbas ito ng kalahating milyong piso, para sa paninira umano sa second world war veteran na sumuporta sa pag-resent ng presidential terms ni Putin.

Sa naging talumpati ni Navalny, inakusahan nito ang Russian government na ginagawang alipin ang mga Russians.

Hindi rin ito nag-atubili na tawaging “naked king” si Putin, kung saan base ito sa folk story na isinulat ni Hans Christian Andersen na pinamagatang “The Emperor’s New Clothes.”

“I want to say, my dear judge, that your king is naked, and it’s not just one boy yelling about it, millions of people are yelling about it,” he said. “Twenty years of his fruitless rule have led to this result: a crown falling from his ears, lies on television, we’ve wasted trillions of roubles, and our country continues to slide into poverty,” wika ni Navalny.

Subalit kalaunan ay natalo ang apela ni Navalny.

Ginawa ang pagdinig matapos ipasa ang malawakang network ng regional headquarters at Anti-Corruption Foundation na itinatag ni Navalny dahil itinuturing ito bilang isang extremist organization.

Nagbabala rin ang Russian government na haharap sa mahabang panahong ng pagkakakulong ang sinumang indibidwal na magpapatuloy na suportahan si Navalny.