Nakahanda si Quezon 5th District Representative Alfred Vargas na makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa isyu ng korupsyon.
Ayon sa 39-year-old actor politician, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na walang “solid evidence” pati para sa iba pang kasamahan nitong mambabatas na napabilang sa listahan ng PACC (Presidential Anti-Corruption Commission).
Tiwala aniya siya na malilinis nito ang kanyang pangalan lalo’t 12 taong na siya sa serbisyo publiko ngunit tila nadungisan na ng kanyang mga katunggali sa politika.
“I am certain that I will be cleared. I am ready to submit myself to an investigation by the proper authority. Mere allegation is not proof,” bahagi ng kanyang statement.
Dagdag nito, “My record is unblemished. My conscience is clear. I will not allow my political detractors, who misinformed PACC, to tarnish my name and reputation with wild accusations bereft of the truth. Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling inpormasyon ng mga nakakalaban natin sa pulitika.”
Una rito, layunin ng pangulo sa pagsapubliko ng naturang listahan ng PACC ay bilang kampanya ng pamahalaan na linisin ang hanay nito laban sa mga corrupt na public servant.
Sa akusasyon ng PACC, si Vargas daw ay humingi ng “one-time” enrollment fee na nagkakahalaga ng halos P1 million na bukod pa umano sa 10-12 % “SOP” na kinakailangang bayaran muna bago ibigay ang isang infrastructureproject sa mapipiling contractor.