-- Advertisements --
Nakatakang bumaba sa kaniyang puwesto si Algerian President Abdelaziz Bouteflika.
Isasagawa ang nasabing pagbaba sa puwesto nito bago matapos ang kaniyang termino sa Abril 28.
Tiniyak ng 82-anyos na pangulo na magpapatuloy ang kaniyang mga programang nasimulan.
Ang nasabing pagbaba sa puwesto ay kasunod nang malawakang protesta na nananawagan ng pagbibitiw nito sa puwesto matapos ang 20 taon na paninilbihan.
Bago ang kaniyang pagbitiw sa puwesto ay kinansela nito ang nakatakdang halalan ngayong buwan.
Duda naman ang maraming mamamayan ng Algeria kung totohanin ba ng pangulo ang pagbibitiw sa puwesto nito.