Pinatawan ng 10 years ban ng International Judo Federation (IJF) si Algerian Judoka na si Fethi Nourine at ang kaniyang coach.
Ito ay matapos na mag-withdraw ito sa Tokyo Olympics ng nakatakda itong matapat sa pambato ng Israel.
Base sa bracket nito na unang makakaharap sana ng 30-anyos na si Nourine ang pambato ng Sudan na si Mohamed Abdalsrasol.
Kapag manalo ito ay susunod niyang makakaharap ay ang pambato ng Israel na si Tohar Butbul.
Pinanindigan kasi ni Nourine ang kaniyang political support sa Palestinian ay minabuti niyang mag-withdraw na lamang sa laban.
Tinanggalan na ng Algerian Olympic Committee ang accreditation ni Nourine at coach nitong si Amar Benikhief at pinauwi na sila mula Tokyo Olympics.
Dahil dito ay hindi puwedeng makasali sa anumang torneo ng IJF ang Algerian judoka ng hanggang 2031.