Walang bakas ng pagkabagot kay Alice Dixson ang pagsailalim nito sa mandatory quarantine sa isang hotel sa Taguig, dalawang araw matapos “home sweet home” na sa Pilipinas.
Ayon sa 51-year-old actress/beauty queen, pinili nito ang naturang hotel dahil malapit sa doctor ng kanyang first baby na kasama niyang umuwi mula Canada.
Panay ang video blog (vlog) nito sa quarantine hotel na tila kanyang paraan upang libangin ang sarili.
Nabatid na matapos maisilang sa pamamagitan ng surrogacy nitong Holy Week ng nakaraang buwan, agad inasikaso ni Dixson ang mga papeles nilang mag-ina upang makauwi sa bansa.
Hindi pa rin naman nabanggit ng Binibining Pilipinas International 1986 kung lalaki o babae ang panganay nito.
Sa proseso ng surrogacy, ibang babae ang magdadala ng sanggol sa sinapupunan.
Una nang nagpasalamat si Alice dahil matapos ang 10 taon na pagdarasal at taunang birthday wish, ay natupad na ang pangarap nito na magka-baby sa kabila ng pandemya.
Taong 2019 nang aminin nito sa publiko na sinusubukan na nila ng kanyang partner ang surrogacy dahil hirap siyang magbuntis.
Dati siyang ikinasal sa negosyanteng si Ronnie Miranda pero nauwi sa hiwalayan matapos ang 14 years.
Noong nakaraang taon nang maging maingay sa social media si Dixson dahil sa kanyanyang larawan habang nasa cannabis farm kung saan layunin pala na gumawa ng vlog patungkol sa medical marijuana.
Burado na ang controversial marijuana farm tour photo nito, matapos umani ng hating reaksyon at binalaan pa ng ilan na baka raw puntiryahin ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Kanya na ring nilinaw ang hinggil sa tinaguriang “taong ahas” urban legend na kanyang kinasangkutan habang nasa isang sikat na mall sa Ortigas.
Dito ay iginiit niya na walang katotohanan ang kuwento na naisalin na sa iba’t ibang bersyon sa loob ng tatlong dekada.