-- Advertisements --

Lumalabas na hindi raw gumamit ng sasakyang pandagat si Dismissed Bamban Mayor Alice Guo at mga kasamahan nito upang makatakas ng Pilipinas.  

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, base sa kanilang preliminary conclusion, na pumasok sina Guo ng Malaysia sakay ng eroplano noong Hulyo 18. 

Taliwas sa naging mga salaysay ni Alice at ni Shiela Guo sa nakaraang imbestigasyon na tumakas sila gamit ang bangka. 

Ayon kay Viado, ang kumpirmasyon na ito ay base na rin sa actual entry ni Guo sa Kuala Lumpur, Malaysia. 

Wala aniyang record of entry sina Alice sa Sabah noong Hulyo 19.