-- Advertisements --

Nahaharap ang dating Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at ang kanyang pamilya sa mga reklamo ng falsification at paglabag sa Anti-Dummy Law na isinampa ng National bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa NBI, nagpakilala ang mga Guo bilang mga Pilipino ngunit sila ay mga Chinese citizen, na lumabag sa mga patakaran sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ng mga ari-arian sa Pilipinas.

Ang transaksyon ay may kinalaman sa apat na parsel ng lupa sa Mangatarem, Pangasinan.

Sinabi ni Lavin na ang kaso ay dapat maging aral para sa mga ahensya ng gobyerno na masusing tingnan ang mga record.