-- Advertisements --

Sa kabila ng ibinigay na deadline ng Commission on Elections kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo , bigo parin itong makapaghain ng kanyang counter-affidavit bilang tugon sa subpoena na inihain laban sa kanya.

Ito ang kinumpirma ni Commission on Elections Chairperson George Erwin Garcia ngayong araw.

Una nang pinalawig ng komisyon ang deadline mula August 27 hanggang September 1 para makapag hain ang kampo nito ng counter-affidavit.

Ayon kay Garcia, sa ngayon ay wala pang ipinadadalang komunikasyon ang kampo ng pinatalsik na alkalde.

Hihintayin aniya ng nila hanggang bukas ang kampo ni Guo na makapaghain ng kanilang kontra salaysay.

Kung maalala, pormal na inihain ng mga kinatawan ng Comelec ang subpoena laban kay Guo noong Agosto 13 kaugnay sa reklamong material misrepresentation na inihain laban sa kanya.

Si Guo ay iniuugnay sa ilegal na operasyon ng POGO dito sa bansa.