-- Advertisements --

Mananatili muna sa PNP custodial center si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay matapos na hindi nakumpleto ng PNP ang ilang dokumento para sa paglilipat sana ni Guo sa Pasig City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Una ng naglabas ng commitment order ang Pasig City Regional Trial Court 167 kay Guo dahil sa kasong qualified trafficking na walang inirekomendang bail na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Pagtitiyak naman ng PNP na kapag nakumpleto na ang kanilang mga papeles ay agad na ililipat ito sa Pasig City BJMP.