Inimbitahan ng Quad Committee sa susunod na pagdinig sa Huwebes sina Alice Guo. Cassandra li Ong at Atty. Harry Roque, kung saan sesentro sa operasyon ng illegal pogo hubs ang ika-anim na pagdinig ng Quad Committee.
Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, tagapamuno ng Quad Comm, iimbitahan ng komite sina Alice Guo, Cassandra Li Ong at dating Presidential Spokesman Harry Roque.
Sinabi ni Barbers, sumulat ang Quad Comm sa RTC Branch 282 ng Valenzuela City na may hurisdiksiyon sa kaso ni Guo o Guo Hua Ping para payagan na makadalo sa hearing sa Huwebes.
Si Ong naman ay nasa custody ng Kamara at kasalukuyang naka-detain sa detention facility ng Kamara.
Nananatili naman na pinaghahanap ng mga otoridad si Roque matapos ipag-utos ng Quad Comm ang pag-aresto dahil sa pagkabigong isumite ang required documents para patunayan na wala siyang kaugnayan sa operasyon ng mga illegal pogo hubs.
Ni-request na riin ng Quad Comm sa Bureau of Immigration na maglabas ng hold departure order laban kay Rpque dahil itinuturing na siya na fugitive o pinaghahanap ng batas.
Samantala, nilinaw ni Barbers, nanatili ang kanilang imbitasyon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa Quad Comm hearing dahil sa pagkakasangkot hindi lamang sa pogo kundi sa mga extra judicial killings.