-- Advertisements --

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dapat nasa kustodiya ng Bureau of Immigration si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa ginanap na press briefing kahapon, sinabi ni Remulla na mayroong immigration case laban kay Guo.

Natukoy rin aniya ito na isang Chinese national sa pangalang Guo Hua Ping.

Ayon kay Remulla, kapag naging maayos na ang lahat ay maaari nang maikustudiya si Guo sa BI.

Sa oras na mangyari ito, kinakailangan na lamang humingi ng BI ng permiso sa DOJ kung dadalhin si Guo sa Korte.

Dagdag pa ni Remulla, si Guo ay mayroong pekeng pasaporte at kinokonsidera na rin itong illegal alien na isang malaking paglabag sa batas.

Bukod dito, maaari ring ma deport ang dating alkalde ng Bamban.