-- Advertisements --

Ginugol ni dismissed Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo ang kaniyang oras sa pagbabasa ng bibliya at iba pang libro habang ilang araw na nakakulong sa PNP custodial facility at bago ang kaniyang muling pagharap sa Senado ngayong araw.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, nag-request si Guo ng mga libro partikular na ng faith-based books.

Ibinahagi din ng PNP official na hindi kumain ng umagahan si Guo at uminom lang ng tubig.

Una rito, sinabi ng aboagado ni Guo na nasa mabuting kalagayan ang kaniyang kliyente matapos nakaramdam ng pananakit ng tiyan noong araw ng Sabado dahil sa kaniyang ininom na tap water kayat dinalhan siya ng kaniyang abogado ng bottled water. Nag-aadjust din aniya ang dating alkalde sa kaniyang sitwasyon ngayon.