Haharap si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa 62 counts na kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act kabilang ang ilan pang mga kasama.
Ito ay matapos mairesolba na ng Department of Justice ang reklamong inihain ng Anti-Money Laundering Council, Presidential Anti-Organized Crime Commission, at National Bureau of Investigation noong nakaraang taon.
Ibinahagi mismo ni Department of Justice Spokesperson Mico Clavano, inirerekomenda ng ihain ang patong-patong na kaso laban sa dating alkalde ng Bamban, Tarlac.
Kung saan inilahad din niya ang pinagsama-samang 26 counts ng money laundering sa ilalim ng Section 4(a) at 5 counts naman ng kaparehong paglabag sa kasong money laundering ng Section 4(b).
Ipinahayag naman ng naturang tagapagsalita ng Department of Justice na sangkot din ang nasa 30 ang kasama sa mga sasampahan ng kaso ng money laundering.
Kabilang ito sa kasong irerekomendang ihain na 31 counts ng hindi pagsunod sa batas ng Anti-Money Laundering Act ng Section 4(d).
Sa kabuuan, 62 na bilang ang kasong nilabag ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa ilalim ng batas ang kahaharapin nito.