-- Advertisements --

Target ng Quad Committee ng Kamara na iharap si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa mga susunod na pagdinig nito.

Ang pag-imbita kay Guo ay para imbestigahan ang umanoy ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.

Gayunpaman, nilinaw ni Quad Comm Chair Robert Ace Barbers na hindi pa nila ihaharap ngayong araw si Guo.

Paliwanag ng mambabatas, una muna nilang tatalakayin ang isyu sa extra judicial killings ng nakalipas na administrasyon.

Samantala, sa susunod pa posibleng maimbitahan si Guo kasabay ng pagtalakay sa ilegal na operasyon ng POGO.

Bukod kay Alice Guo, iimbetahan rin si Presidential Spokesperson Harry Roque, at maging si Cassandra Ong.