-- Advertisements --

Kinumpirma ni Atty. Stephen David na dadalo ang kanyang kliyente na si dismissed Bamban mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado sa Lunes, Setyembre 9. 

Sinabi ni David na hindi pwedeng tanggihan ni Guo ang ikakasang imbestigasyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senadora Risa Hontiveros. 

Aniya, bibitbitin ang suspendidong Alkalde ng Philippine National police sa Senado sa ayaw at sa gusto niya. 

Magugunitang noong Biyernes, inaprubahan ng Regional Trial Court Branch 109 sa Capas, Tarlac ang hiling ni Hontiveros na padaluhin si Guo sa imbestigasyon ng kanyang komite hinggil sa POGO. 

Nakaditene sa ngayon si Guo matapos na hindi magbayad ng piyansa sa korte sa kasong paglabag sa anti graft and corrupt practices act.