-- Advertisements --

Iniharap sa media si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bilang isang detainee.

Sa pagdating nito sa Pilipinas, nakasuot siya ng orange na T-shirt bilang damit ng isang bilanggo may nakasulat na CIDG, habang nakaposas ang kaniyang kamay.

Tinatakpan niya ng puting damit ang posas at nakasuot din ito ng facemask na itim.

Habang nasa eroplano, isinilibi umano ang warrant of arrest na nagmula sa Capas, Tarlac para sa sinibak na alkalde.

Makailang ulit na hiniling ng mga nasa press conference area na tanggalin sana ni Guo ang mask at magsalita sa publiko, subalit umiling ito dahil wala umano siyang abogado na gagabay sa kaniya.

Habang nagbibigay ng pahayag si Interior Sec. Benhur Abalos, nakatalikod sa media ang dating alkalde.

Inamin naman nito na may natatanggap siyang banta sa kaniyang buhay ngunit hindi na ito lubos na idinetalye.