-- Advertisements --

Agad isinailalim sa booking procedures si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping, kasunod ng pagpapaaresto sa kaniya ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) sa kasong human trafficking.

Kagaya ng nakaraang booking, muli siyang kinunan ng mugshots, finger prints at sumalang sa medical checkup.

Magugunitang ipinag-utos din ng Pasig Court na ilipat si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory kahapon pero hindi natapos ang documentations.

Dahil dito, posibleng sa Lunes na ito mailipat sa nasabing jail facility na hawak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Una nang tiniyak ng BJMP na walang ibibigay na special treatment para kay Guo dahil pantay-pantay umano ang pagtingin sa lahat ng persons deprived of liberty sa kanilang mga pasilidad.