-- Advertisements --

Kinumpirma ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children na hindi siya tatakbo bilang mayor ng Bamban, Tarlac.

Kasunod ito ng kumpirmasyon ng kanyang legal counsel na maghahain si Guo ng kanyang kandidatura sa pagkaalkalde ng Bamban. 

Nang matanong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kung bakit nagbago ang kanyang desisyon. 

Giit ni Guo, haharapin niya muna raw ang mga akusasyon laban sa kanya at lilinisin daw muna niya ang kanyang sarili . 

Dagdag pa ni Guo, para rin daw maging patas sa mga constituents ng Bamban na kanyang minamahal.

Sa kabila aniya ng mghamon na kanyang kinahaharap naniniwala ang dating alkalde na malalagpasan niya ang mga ito. 

Samantala, sa liham na kanyang ipinaabot sa mga residente ng Bamban, Nagpasalamat si Guo sa pagmamahal, tiwala at suporta na ibinigay sa kanya.