-- Advertisements --

Kinumpirma na mismo ni Alice Guo na may natanggap siyang banta sa kaniyang buhay at humingi siya ng tulong kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. at Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Fracisco Marbil.

Inamin ito mismo ni Guo nang makabalik na siya dito sa Pilipinas mula Jakarta Indonesia kaninang bandang ala una ng madaling araw.

Ayon kay Guo, humingi siya ng tulong ky Abalos at Marbil dahil pakiramdam niya at ligtas siya sa PNP at DILG. “Kino-confirm ko po ang lahat po ng sinabi ni Secretary na mayroon po akong death threat at humingi po ako ng tulong sa kanila at masaya din po ako na makita sila.”

Kasunod nito, inamin rin ni Abalos na humingi ng ilang minuto si Guo para makausap sila ni PNP Chief Marbil noong nasa Indonesia pa lang sila.

Hindi naman umano idinetalye ni Guo kung anog klaseng banta ang natanggap niya pero inabisyuhan umano nila ang dating alkalde na huwag matakot at ibunyag niya ang mga malalaking tao sa likod nito kasabay ng pangako nilang papangalagaan nila ang buhay ng dismissed mayor.

Matatandaan na kahapon, Septemper 5, sa turn over kay Alice Guo ng Indonesian authorities sa ilang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas, habang naka live online nasagap ng mic. ni DILG Sec. Abalos ang paghingi ng tulong ni Guo sa kanya. Pero nang sumagot na si Abalos ay bigla nalang nawalan ng audio.