Maaari pang maghain ng kandidatura si suspended Bamban Mayor Alice Guo para sa 2025 midterm elections sakali mang naisin nitong tumakbo muli.
Ito ay hangga’t wala pang pinal na hatol na nagsasakdal sa kaniya sa mga kaso at akusasyong ibinabato laban sa kaniya
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kapag nakahanap ng sapat na basehan ang poll body para maghain ng election offense, maaaring pagbawalan si Guo na tumakbo sa halalan.
Ang pinal na hatol ay magmumula sa Korte Suprema sakaling mapatunayang guilty si Guo sa alinman sa kaniyang mga kaso.
Kasalukuyan ngang iniimbestigahan ng Comelec ang posibleng material misrepresentation ni Guo sa kaniyang COC noong tumakbo ito noong 2022 elections.
Matatandaan na una ng inihayag ni Guo na plano nitong muling tumakbo sa 2025 midterm elections.