-- Advertisements --

Nasa maayos na kalagayan si dismissed Bamban Mayor Alice Guo matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan noong araw ng Sabado ayon sa kaniyang legal counsel na si Atty. Nicole Jamilla.

Kasalukuyan ngang nakakulong ang dating alkalde sa PNP custodial facility matapos hindi maglagak ng piyansa sa inihaing criminal cases laban sa kaniya sa korte sa Tarlac.

Ayon pa sa abogado ni Guo, nag-aadjust pa ang kaniyang kliyente sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon dahil wala siyang mga libangan o aktibidad sa naturang detention facility.

Samantala, hindi naman umano nag-aalala si Guo sa kaniyang pagharap sa Senado ngayong araw.

Aniya, na-brief nang mabuti si Guo sa mga kaganapan sa nagdaang pagdinig sa Senado na wala siya gayundin ang mga isyung posibleng kaharapin niya.

Tiniyak din nila kay Guo na may nakalatag na security at arrangements para sa kaniyang muling pagharap sa Senado.