-- Advertisements --

Magkakasama sa iisang selda si dismissed na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang isa sa mga kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi ni BJMP Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera ngayong Linggo na inaasahang ililipat si Guo mula sa PNP custodial facility sa Camp Crame patungo sa Pasig City Jail Female Dormitory bukas, Lunes, Sept. 23.

Ani Bustinera, noong nakaraang 2 linggo ay mayroon ng tatlong dinala nakapwa akusado ni Quiboloy, pinaghiwa-hiwalay ito dahil tatlo lang ang selda, at ang isa sa mga ito ay makakasama ni Guo pati na rin ang iba pang kasalukuyang nakakulong.

Wala aniyang anumang special preparation para sa selda ng pinatalsik na mayor dahil sumusunod lang sila sa korte at kung ano ang dating itsura ng selda, ay ‘yun na ang madadatnan ni Guo.

Samantala, una nang naghain naman si Atty. Si Nicole Jamilla, legal counsel ni Guo, ng urgent motion noong Sabado sa Pasig Regional Trial Court (RTC) na humihiling na manatili si Guo sa PNP custodial facility.

Pero inihanda na nila si Guo sakaling hindi maaprubahan ang kanilang kahilingan.