-- Advertisements --

Ibinalik sa Philippine National Police (PNP) custodial facility bandang 2:12 p.m. si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos itong dalhin sa Capas Tarlac Regional Trial Court Branch 109 kaninang umaga na naglabas ng warrant of arrest sa kanya dahil isinampang kaso ng DILG na graft and corrupt practices act.

Ipinag-utos ng korte na mananatili muna si Guo sa kustodiya ng PNP sa kadahilanan na rin na hindi ito nagpyansa.

Sa panig ng legal counsel ni Guo na si Atty. Nicole Jamilla, wala pa silang nakikitang rason para magpyansa si Guo dahil may isa pa rin namang warrant of arrest laban sa dating alkalde.

Sinabi rin daw ni Guo na mas nararamdaman niyang ligtas siya sa kustodiya ng PNP.